Bustamante, Reyes nasibak sa world 8-ball

HALOS sabay na natanggal sina current world No. 1 player Francisco Bustamante at Efren “Bata” Reyes sa World 8-Ball Championship na ginaganap sa Fujaira, United Arab Emirates.

Tinalo si Reyes ng kapwa Pinoy na si Jason Alba, 5-9, sa knockout stage.

Nasibak naman si Bustamante matapos matalo ng dalawang beses sa stage 1, una kay Daryl Peach ng England at pangalawa kay David Alcaide ng Spain.

Umusad naman sa susunod na round si double world champion Ronnie Alcano pagkatapos pataubin si Shaker Wadan.

Makakaharap ni Alcano si dating world straight ball champion Oliver Ortmann ng Germany.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply