Buwis sa gumagamit ng credit cards tatapyasan

MASUSING pag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang posibleng pagtapyas sa sinisingil na buwis sa mga gumagamit ng credit cards.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda na isa ito sa mga ipinanukala ng Asian Development Bank sa kanilang courtesy call sa Pangulong Benigno Aquino III.

Aniya, interesado ang nasabing international firm na makabuo ng mga measures para mapagaan ang bayarin ng mga credit card holder.

Bukod dito, napag-usapan din ang kampanya ng gobyerno kontra sa katiwalian.

Ipinaabot din ng ADB ang kanilang suporta sa conditional cash transfer program ng gobyerno gayundin sa Public-Private Partnership program.

Binigyang diin nito na malaking bagay umano ito para mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap at masuportahan ang iba pang social programs ng gobyerno.

Sa kabilang dako, nilinaw ni Atty. Lacierda na walang pag-uusap hinggil sa loan o uutangin ng Pilipinas sa ADB. Kris Jose

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply