Cainta Rizal suspect, umamin na

UMAMIN na ang itinuturong responsable sa tinaguriang Valentine’s Day massacre sa Cainta Rizal na si Fortunato “Jun-Jun” Acibar Jr..

Sinabi mismo ni Jun-Jun na hindi niya nakayanan ang pagmumura ng maybahay ng kaniyang tiyuhin na si Elizabeth Asebar kung kaya’t nagawa nito ang krimen.

Ayon pa kay Junjun, lagi siyang nakararanas ng pagpapahiya sa ginang sa harap ng maraming tao.

Nakatakdang humarap sa korte si Junjun kung saan dadalhin ito sa Cainta, Rizal galing Marinduque.

Narekober kay Junjun ang cellphone na may dugo pa.

Pinaslang ang mag-anak na sina sina Amado Acibar, 42; Elizabeth Asebar, 46; Amado Jr., 15 at Prichie, 10, sa Cainta, Rizal noong Pebrero 14. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply