Kamote, mais gagamitin sa paggawa ng tinapay

POSIBLENG ang kamote, mais at modified starch na ang gagawing alternatibo sa pagggawa ng tinapay kung patuloy sa pagtaas ang presyo ng harina sa merkado.

Ito ang inihayag ni Henry Ah, dating president ng Filipino Chinese Bakers Association, Linggo, Pebrero 6 sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng pangunahing sangkap sa panggawa ng tinapay.

Ayon kay Ah, sisirit pa pataas ang presyo ng tinapay sa susunod na mga araw dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mantika, asukal at harina na umaabot na sa P820 kada-kalahating kabang sako ng harina.

Inaasahan pa ring tataas ang presyo ng panguhing sangkap subalit hindi naman sila agad-agad na magtataas ng presyo ng tinapay bagkus ay gagamit sila ng alternatibo tulad ng cassava, camote at iba pa upang makatulong na rin sa mga magsasaka sa bansa.

Samantala, magkakaron naman ng bakers fair 2011 na gaganapin sa World Trade Center sa February 18-20, inorganisa ng Filipino-Chinese Bakery Association Inc.

Ayon kay Antonio Limpit, presidente ng Phil-Chinese Bakers Association, magkakaron ng seminars at pagsasanay ang ilang panadero sa gaganapin bakers fair.

Tatalakayin din umano ang kalinisan at tamang paggawa ng tinapay na mas kaaya-aya sa mamimili.

Sa ngayon, 30 porsiyento na umano ng alternatibo ang ginagamit o hinahalo ng ilang bakery sa paggagawa ng tinapay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng harina sa merkado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply