Campus walk-out vs LRT-MRT fare hike ikinasa

ILULUNSAD ang isang malawakang campus walk-out ng iba’t ibang grupo ng kabataan sa susunod na linggo para almahan ang nakaambang pagtaas ng pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Nakatakdang isagawa ng mga grupong Anakbayan, League of Filipino Students (LFS), National Union of Students in the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan, at Strike the Hikes Movement, ang nabanggit na kilos-protesta sa Lunes, Pebrero 28.

Sinabi ni Vencer Crisostomo, chairperson ng Anakbayan, na hindi sapat na bigyan lamang ng 20-porsiyentong diskuwento sa pamasahe sa LRT ang mga estudyante.

Aniya, hindi umano makatwiran ang kaliwa’t kanang pagtaas sa pamasahe, presyo ng langis at iba pang bilihin, pati na ang toll hike na ipinatutupad at ipatutupad ng administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino, III.

“Anong akala nila sa aming mga kabataan, mga maka-sarili na nasusuhulan?” ani National Union of Students in the Philippines (NUSP) president Einstein Recedes.

“The point is, if they really want to protect the interests of income-sensitive sectors such as students who don’t earn their own money yet, they shouldn’t even consider hiking fares at all” giit pa ni Recedes.

Galit ang mga grupo ng kabataan sa pag-apruba ng Department of Transportation and Communications (DoTC) sa LRT-MRT fare hike sa mismong bisperas ng EDSA People Power 1 Anniversary.

“What a way to celebrate People Power: by disempowering the ordinary consumer with more expenses in the face of their refusal to give working Filipinos with significant wage hikes” sabi pa ni Crisostomo.

Ayon naman kay LFS chairperson Terry Ridon, moro-moro lamang ang isinagawang konsultasyon sa LRT-MRT fare hike dahil hindi naman naisaalang-alang dito ang pag-alma ng publiko. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply