CamSur naghari sa group triathlon

NAGHARI ang mga triathletes ng CamSur sa 2011 National Age Group Triathlon (NAGT) Series nang sikwatin ang age group titles sa sagupaang ginanap sa Dungaree Beach, Subic Bay Freeport.

Pitong CamSur triathletes ang naramdaman ang presensya sa 237 participants sa inaugural race na inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) kaagapay ang Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA).

Nakuha nina Benjamin Rana Jr., Mark Anthony Hosana at Philip Atento ang mga korona sa men’s 20-24, 17-19 at 30-34 brackets.

Nangibabaw naman ang 25-anyos na si Rana bilang best performer nang manalo ng line honors sa 1.5-K swim, 40-K bike at 10-K distance race na umoras ng two hours, 17 minutes at 45 seconds.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply