Canlubang humataw sa Interclub

NARAMDAMAN ang husay ng Canlubang team nang si Tommy Manotoc ay magpakitang gilas sa Del Monte course sa Manolo Fortich, Bukidnon.

Kumana siya ng 56 points para buhatin ang senior Sugar Barons tungo sa 11-point spread patungo sa last round ng 64th Interclub.

Nakadale si Manotoc ng three birdies kabilang na ang par-fives sa Nos. 9 at 14 na napantayan ng nag-iisang bogey para sa 56, isang two-under-par 70 sa stroke play.

Habang isinusulat ito, ang Canlubang ay tangan na ang 460 total sa Molave points habang ang defending champion Luisita ay nagkasya lamang sa 147 para sa 449.

“The game is far from over. Our lead, though, is really, really good at this point,” pahayag ni Manotoc.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply