Capitol hills golf course sa QC natupok

NATUPOK ng apoy ang isang golf course building sa Quezon City ayon sa ulat ng Bureau of fire Protection, Linggo, Pebrero 20.

Ayon sa BFP-QC, 1:09 ng hapon nang tupukin ng apoy ang Capitol Golf Course sa Club House Capitol Hills Old Balara, Bgy. Old Balara, QC.

Sinabi ni Fire Office 2 Wilson Bautista, duty radio operator ng BFP-QC na tinupok ng apoy ang Capitol golf Course  kasama na ang 3 storey commercial building.

Idineklarang fire out ang sunog 1:37 ng hapon na umabot sa  3rd  alarm .

Wala namang iniulat na nasugatan, habang inaalam pa ng arson investigators kung magkano ang napinsala sa insidente. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply