Cardinal Rosales ayaw sa kilos-protesta vs RH bill

HINDI sang-ayon si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales sa paglulunsad ng mga kilos-protesta laban sa pagsusulong sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Naniniwala umano ang Cardinal na ang pakikipagdayalogo pa rin ang pinakamabuting solusyon upang maresolba ang isyu ng RH bill.

Paliwanag pa nito, ang anumang problema ay madadaan sa maayos na usapan.

Ayon kay Rosales, ang pagsasagawa ng mga kilos-protesta sa kalsada ay wala umanong kahihinatnan.

Kaagad namang nilinaw ni Rosales na walang masama sa pagsasagawa ng kilos-protesta bilang pagpapakita ng pagkondena sa nasabing panukalang batas.

Gayunman, giit nito na hindi dapat isantabi ang pakikipag-dayalogo bilang pangmatagalang solusyon sa problema

Magugunitang mula noong Pebrero 1, iba’t ibang rally na ang inilunsad laban sa RH bill ng Simbahan at mga pro-life advocates sa Cebu City, Bacolod City, Jaro, Iloilo, Tacloban City at Metro Manila.

Nitong Sabado lamang, libu-libong raliyista mula sa iba’t ibang bahagi ng Bicol region, na itinuturing na teritoryo ni Albay Rep. Edcel Lagman na may akda ng RH bill, ang nagtungo sa Sorsogon City para sa isang kilos-protesta.

May ilang obispo rin ang nagbanta ng civil disobedience kung tuluyang maisasabatas ang RH bill.

Una pa ring umatras ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pakikipagdayalogo sa Malakanyang kaugnay sa isyu ng RH bill, dahil mistula umanong hindi nababago ang posisyon ng Malakanyang hinggil sa nasabing isyu. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply