Carjackers muling umatake sa Makati

MULI nanamang umatake ang mga carjackers makaraang tangayin ng mga ito ang sport-utility vehicle sa residential area sa Makati City.

Ayon sa report ng dzBB, pinukpok  ng baril ang driver ng Mitsubishi Montero (PJI-328) ng dalawang di nakilalang lalaki at agad na tinangay ang sasakyan.

Batay sa inisyal na report ng pulisya, bandang 6 a.m.  nang maganap ang insidente sa Hilario Street, Palanan, naturang lungsod.

Kaugnay nito, pinaghahanap pa hanggang ngayon ang salarin ng nagtangay ng Mitsubishi Strada sa Quezon City na naganap noong Enero 31.

Nabatid sa report ng dzBB na hinarangan ang daraanan ng Strada sa Baesa, Quezon City at pinababa ang dalawang sakay nito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply