Carjackers muling umatake sa QC

MULING umatake ang carjackers makaraang tangayin ang sport-utility vehicle sa isang residential area sa Quezon City, madaling-araw ng Miyerkules.

Ayon sa news report ng dzBB, ilang hindi nakilalang kalalakihan ang puwersahang nang-agaw ng susi ng isang black Mitsubishi Montero (PIH-155) sa mismong bahay ng nagngangalang Ginang Cerilles, sa Maria Elena st., Bahay Toro, Quezon City.

Tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na isa na naman itong bagong modus operandi ng carjackers. Marjorie Dacoro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply