Carmi Martin, Rox Montealegre ga-graduate na rin

NAPAIYAK si Rox Montealegre, finalist ng Starstruck nang maungkat ang kaniyang pag-aaral sa Ateneo sa ginanap na interview sa kanya kamakailan.

Graduating na kasi si Rox sa Ateneo noon nang sumali sa Starstruck pero hindi nakapagtapos dahil hindi nito maiwanan ang reality search ng GMA 7 at napasama pa siya sa top 8 finalist ng contest.

Pero hindi pa rin nawalan ng pag-asa dahil matapos ang contest ay nagawa pa rin niyang ipagpatuloy ang pag-aaral at next month (March) ay ga-graduate na ito sa Ateneo de Manila University ng BS Management at ngayon may oras na siyang harapin ang showbiz career.

Tulad ni Rox, si Carmi Martin ay nagsumikap rin makapagtapos at very proud na sinabi ni Carmi sa presscon na next month din ay magtatapos na siya ng Fine Arts at BS in Interior Designing sa Philippine Women`s University.

Congrats kina Carmi at Rox na hindi naging dahilan ang pagpasok sa showbiz para hindi matupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

***************

Masaya sana ang pagdiriwang ng 25 years ng Edsa Revolution kahapon kung nandoon at dumating sana sina Senator Juan Ponce Enrile at Senator Gringgo Honasan dahil sa totoo lang ay silang dalawa talaga ang tunay na maituturing na bayani at hindi itong matandang former President na feeling ay siya ang susi ng tagumpay ng  pagpapatalsik kay President Ferdinand Marcos.

Alam kaya nitong matandang former President na ito na isinusuka siya ng tao dahil wala naman siyang nagawa noong panahong siya ang Pangulo ng bansa.

Siya ang nagpahirap sa bayan at puwede siyang tawagin balimbing dahil kung sino ang maluklok na Pangulo ng bansa ay nakadikit ito at nagbibigay daw diumano ng advice ganoon wala naman nagawang kabutihan nang siya ay naging Pangulo.

Sabi nga ng mga nanggigigil at suklam na suklam kay matandang dating Pangulo na manigarilyo na lang siya ng tabako.

Dapat daw ay halungkatin ang ginawa diumano nitong pagnanakaw sa bayan, at iba pang anomalya!

Ginawa na raw i-expose ni former President Joseph Estrada ang ginawa nitong matandang former President pero hindi nabigyang pansin dahil sumipsip ito sa umagaw sa posisyon ni Erap.

Sana raw ay mabuksang muli ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga katiwaliang nagawa nitong dating Pangulo. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply