Case closed

IDINEKLARA na ng pulisya na “case closed” ang pagpapakamatay ni dating Defense Secretary Angelo Reyes.

Ayon kay NCRPO Chief, Director Nicanor Bartolome, wala silang nakitang senyales ng foul play sa insidente.

Batay umano sa pahayag ng mga testigo, isang putok ng baril lang ang narinig at lumitaw na mismong si Reyes ang bumaril sa kanyang sarili.

Gayunman, sinabi ni Bartolome na posibleng hilingin pa rin nila sa pamilya ni Reyes na iturn-over ang baril na gina-mit nito.

Ipinaliwanag ng heneral na kailangang isailalim sa kustodiya ng Firearms and Explosives Division ang baril dahil pumanaw na ang licensed owner nito.

Tiniyak naman ng opisyal na gagawin lang nila ito sa sandaling maging kalmado na ang pamilya ng dating heneral.

Samantala, bantay sarado pa rin ng Marikina PNP ang puntod ng mga magulang ni dating AFP chief at energy secretary Angelo Reyes sa Loyola Memorial Park sa Brgy. Tumana, Marikina City kung saan ito nagpakamatay.

Ayon kay P/C. Insp. Earl Castillo, deputy chief for Operation ng Marikina PNP, tuloy pa rin ang kanilang pagbabantay sa crime scene sa utos ni NCRPO chief P/Dir. Nicanor Bartolome para sa anomang kaganapan.

Maging ang police line ay hindi pa rin inaalis at bawal pa itong lapitan nang walang pahintulot.-Evelyn Garcia at Jhie Convocar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply