Catholic burial ok sa CBCP

MAAARING bigyan ng Catholic burial at misahan sa Simbahan ang namayapang si dating Energy Secretary Angelo Reyes.

Ginawa ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, chairman ng Episcopal Commission on Canon Law ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang paglilinaw kasunod ng pagpapatiwakal ni Reyes na labag sa aral ng Simbahan.

Ayon kay Medroso, bagamat isang mortal sin ang pagpapakamatay, pinagpapalagay ng Simbahang Katoliko na wala sa sarili niyang pag-iisip ang mga taong nagsu-suicide o kumikitil ng sariling buhay.

Wala namang nakikitang masama si Antipolo Auxiliary Bishop Francisco de Leon sa pahayag ni Medroso.

Sinabi ni De Leon na malaking kasalanan sa aral ng Simbahan ang suicide pero dahil sa development sa mental health na may mga situation o circumstances na ang tao ay hindi malaya sa pagpili ng kamatayan kaya pinapayagan na ito ay misahan at iburol sa Catholic cemetery.-Kyle G.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply