Cavs pinutol ang losing streak, wagi laban sa Clippers

NAGWAWALA sa saya ang mga fans sa loob ng Quicken Loans Arena matapos manalo ang Cleveland Cavaliers at maputol ang 26-game losing streak sa 2010-11 National Basketball Association regular season.

Dahil sa tagal na hindi nagpapanalo ang Cavs ay parang championship game ang kanilang ipinagdiwang matapos ang kanilang 126-119 overtime victory laban sa Los Angeles Clippers.

Nagtrabaho ng husto sa opensa si Cavs forward Antawn Jamison matapos sumalpak ng 35 puntos, nine rebounds at apat na assists.

“It’s a great feeling and great for the morale of this team, this city and these fans,” wika ni Jamison. “It’s finally good to get it. We’ve been working so hard for this. We finally got it.”

Nanggalaiti naman si Clippers forward Blake Griffin sa huling eksena regulation kung saan binutata ni Cavs enter JJ Hikson ang potental winning shot ni Baron Davis.

Sa tingin ni Griffin ay goal-tending violation ang ginawa ni Hickson.

Nasilayan din ang kasiyahan sa mukha ni Cavs head coach Byron Scott ng makita nitong naglulundagan sa saya ang kanyang mga bataan at fans sa loob ng arena.

“They’re jumping around and having a good time,” masayang pahayag ni Scott. “I told them to enjoy it but let’s not take a big breath and think OK we got a win, great. We have to think that we are supposed to win games.”

Nagbuslo si Hickson ng 27 puntos habang tig 17 naman sina Gibson at Mo Williams.

Si Griffin naman ang nanguna para sa Clippers sa pagtapos ng may 32 puntos, 13 boards at dalawang assists.

Samantala, patuloy na umuusok ang Miami Heat matapos talunin ang Detroit Pistons, 106-92, habang tinambakan ng Los Angeles Lakers ang New York Knicks, 113-96. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply