Cayetano magpupugay sa World War II veterans

MAGBIBIGAY pugay si Mayor Lani Cayetano sa World War II Veterans bilang bahagi ng gaganaping 66th Liberation Day na ipatutupad ng Tourism and Trade Department sa Bantayog ng mga Bayani, Taguig City Hall quadrangle, 6:30 ng umaga, Pebrero 23.

Sinabi ni Zaida Ignacio, admin officer II ng Tourism and Trade Department, isang makabuluhang hakbang aniya ang alalahanin at bigyang pugay ang mga Filipino na hindi nagpasupil sa hukbong Hapon noong sumiklab ang digmaan sa nitong Disyembre 1941.

Sa kasaysayan, ang war veterans ng Taguig ay bumuo ng malakas na puwersa na tinaguriang the Hunters ROTC at Markings Guerilla Units na nakipag-alyansa sa American Airborne Division, at dahil sa nangyaring sagupaan at ubusan ng buhay, nakamit ng Taguig ang kalayaan noong Pebrero 23, 1945.

Ang paggunita sa kasaysayan ay sisimulan sa pamamagitan ng parade line-up na kinabibilangan ng Traffic Management Officers, PNP, Taguig City Band, 10 Tipas Riders, Veterans, SDAI, TGU ROTC, City Officials at First-aid Ambulance.

Hati sa dalawang grupo ang mangyayaring daloy ng parada. Ang assemble area ng unang grupo ay gaganapin sa Levi Mariano Bridge, Ususan habang ang ikalawang grupo naman ay magtitipon-tipon sa San Sebastian Chapel, Wawa.

Sa ganap na 7:00 ng umaga magsisimulang maglakad ang mga kalahok, babagtasin ng unang grupo ang kalsada mula Levi Mariano patungong Gen. Luna hanggang City Hall quadrangle.

Sa kabilang panig naman, lalakarin ang daan mula San Sebastian Chapel patungong Sta. Ana bridge hanggang City Hall Quadrangle.

Tinatayang aabot sa mahigit isang libong katao ang dadalo sa nasabing kasayahan na may temang “Pagbabalik Tanaw sa Kabayanihan Tungo sa Kapayapaan.” Peter Corpus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply