CBCP atras sa family planning dialogues

IGAGALANG ng Malacañang kung magdesisyon ang CBCP na kumalas sa serye ng dialogues hinggil sa family planning.

Magugunitang nagpahiwatig ang mga obispo na mag-pullout sa nasabing pag-uusap matapos pumasa sa committee level sa Kamara ang Reproductive Health Bill na mahigpit nilang tinututulan.

Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi nila inasahan ang nasabing babala ng mga obispo dahil naging maganda naman ang takbo ng kanilang naunang pagpupulong.

Ayon kay Lacierda, ibang-iba ang pahayag ng CBCP kahapon sa mga naunang kasunduan hinggil sa Responsible Parenthood Bill.

Muling maghaharap ang panig ng gobyerno at simbahan sa huling linggo ng Pebrero at umaasa ang Palasyo na mananatili pa ring bukas ang mga obispo sa isinusulong ng Aquino administration na Responsible Parenthood Bill. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply