CBCP nagpasaklolo sa talamak na pagkalat ng droga sa Batangas

HINALA ng isang mataas na opisyal ng Simbahang Katoliko na mayroong malalaking taong nasa likod ng pagpapakalat ng droga sa Batangas.

Bunsod nito, hiniling ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles ang tulong ng mga opisyal ng pamahalaan partikular ang Philippine National Police (PNP) upang resolbahin ang problema at arestuhin ang mga taong may kinalaman sa pagkalat ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Arguelles, matagal na niyang pinangangambahan na may kilalang tao ang nasa likod ng nagaganap na “drug menace” sa Batangas.

“It’s been a long time since I fear highly placed people are behind the drug menace,” anang arsobispo sa pahayag nito sa CBCP website.

“Government authorities should look seriously into the increasing vice dens,” dagdag pa ni Arguelles.

Si Arguelles ay kasalukuyang nasa Vatican City kasama ang iba pang mga Obispo para sa kanilang ad limina visit.

Samantala, tiniyak naman ni Southern Tagalog Police Regional Director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao na kaagad niyang ipabeberipika ang impormasyon, partikular na ang umano’y pagkakasangkot ng ‘highly-placed people’ sa problema ng droga.

Siniguro pa ng police official na tututukan nila ang naturang impormasyon na ibinigay ng arsobispo. Kyle Gatus

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply