CBCP official: Pagpapakamatay ni Reyes hindi honorable at hindi pagpapakita ng katapangan

HINDI sang-ayon ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa umano’y pahayag ni retired Navy chief Mateo Mayuga na ‘honorable’ at ‘pagpapakita ng katapangan’ ang ginawang pagpapakamatay ni dating Armed Forces Chief of Staff General Angelo Reyes sa harap ng mga problemang kinakaharap nito hinggil sa anomalya sa pondo ng military.

Ayon kay CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, ang naturang pahayag ni Mayuga ay maaaring magbigay ng maling mensahe sa publiko, partikular na sa mga kabataan, na tama lamang ang magpakamatay.

Bagamat nagpapaabot ng pakikiramay, mariing kinontra ni Pabillo ang sinabi ni Mayuga at iginiit na hindi dapat na palabasing tama ang ginawang pagpapakamatay ng yumaong heneral.

Paliwanag ni Pabillo, hindi solusyon ang pagpapakamatay sa anumang pagsubok na darating sa buhay ng isang tao.

Ang dapat, ani Pabillo, ay maging matatag at matapang ang isang tao na harapin ang bawat pagsubok sa kaniyang buhay.

“Let us not send a wrong message to the people, especially the young, that suicide is all right. No, it is wrong. Whatever troubles we find in life, we should be brave enough to face them,” ayon sa Obispo.

“Yes, we condole with the family, the loved ones and friends of General Reyes. I personally felt extreme sadness at his action and prayed for his soul. But sympathizing with him should not induce us to saying what he did was right,” paliwanag pa ng CBCP official.

Naninindigan din ang Obispo na ang pagpapakamatay ay isang paraan lamang ng pagtakas, at sa kaso aniya ni Reyes, ay hindi ito paraan ng pagsisilbi sa bayan.

“Taking one’s life is an act of escapism. It does not even serve the country in this case. The country, especially the foot soldiers who are struggling it out on the ground, need to know how the military spends its money,” ani Pabillo.

Matatandaang si Reyes ay nagbaril sa sarili sa kasagsagan ng kontrobersiyang tumanggap umano ito ng P50 milyong pabaon mula sa pondo ng military nang magretiro ito sa puwesto bilang chief of staff.

Mariin naman itong pinabulaanan ng yumaong heneral. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply