CBCP: PNP fund scam imbestigahan din

HINIMOK ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Kongreso na imbestigahan din ang umano’y kwestiyonableng pondo ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), obligasyon ng mga opisyal ng gobyerno na sawatain ang katiwalian na pangunahing dahilan ng paghihirap ng maraming Filipino.

Naniniwala ang opisyal ng CBCP na sa pamamagitan ng congressional inquiry ay mababatid ng publiko kung saan napupunta ang buwis na kanilang ibinabayad.

Una nang ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na noong naging hepe siya ng PNP ay may nakalaan sa kanyang P40 milyon, na umano’y tinatawag na “commander’s reserve,” kada taon.

Ito ay bukod pa sa high-limit credit card, na hindi naman umano niya tinanggap. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply