CBCP suko sa RH bill

NAGDESISYON na ang kinatawan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mag-pull out na sa isinasagawang konsultasyon ng Senate committee sa Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay Atty. Jo Imbong, legal counsel ng CBCP, pormal silang nag-pull out nitong Huwebes sa technical working group (TWG) ng Senate committee on health and demography, dahil sa paniwalang balewala rin ang kanilang presensiya doon.

Ani Imbong, nagdesisyon silang huwag nang makilahok sa konsultasyon dahil sa uncompromising stand ng CBCP laban sa RH bill, na nakasaad sa pastoral letter nito noong Enero 31.

Kabilang sana ang CBCP sa unang meeting ng TWG na pangungunahan ng chief of staff ni Sen. Pia Cayetano, chairperson ng komite, kasama ang anti at pro-RH bill advocates.

Gayunman, sinabi ni Imbong na nag-inhibit na sila sa konsultasyon dahil na rin sa mahigpit na pagtutol ng CBCP rito.

Lumilitaw rin naman lamang umano sa konsultasyon kung gaano kalayo ang posisyon ng dalawang panig hinggil sa isyu.

Hindi ito ang unang pagkakataon na umurong ang CBCP sa pakikilahok sa dayalogo hinggil sa RH bill.

Noong 2009, nag-walk out si Imbong at iba pang kinatawan ng simbahan sa hearing hinggil sa bersiyon ng Senado sa RH bill dahil sa mistulang pagbalewala umano sa kanilang mga concern hinggil sa isyu. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply