CCTV sa mga eskwelahan gagawing mandatory

ISINULONG ng Manila City Council ang ordinansa na kinakailangang magpakabit ng Close Circuit Television cameras (CCTV) ang lahat ng unibersidad o eskwelahan sa Maynila upang mas mabantayan at makaiwas sa anumang klase ng kriminalidad sa lungsod.

Sa dalawang pahinang draft ordinance na isinumite ni Manila Fourth District Don Juan Bagatsing, iminungkahi nito ang pag-i-install ng security cameras sa campus perimeter bilang mandatory requirement sa mga eskuwelahan, unibersidad, colleges at iba pang educational institutions sa Maynila.

Ayon sa konsehal, ang surveillance cameras ay man nakakapagpahinto ng krimen, pero makatutulong naman upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga kriminal.

Ang nasabing ordinansa ay kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Manila City Council.

Kaugnay nito, inatasan naman ng local na pamahalaan ang Office of the City Engineer na magsagawa ng periodic inspection sa mga eskuwelahan upang masiguro na sumusunod ang mga pamunuan ng mga eskuwelahan sa nasabing ordinasa.

Iminungkahi rin ni Bagatsing na mapaparusahan ng 6 buwan hanggang 1 taong pagkabilanggo o magmulta ng P20,000 ang sinumang school owners at universities na lalabag sa nasabing ordinansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply