Ceasefire suportado ng simbahan

SUPORTADO ng Simbahang Katoliko ang ipinatupad na pitong araw na tigil-putukan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) na sinimulan ngayong araw, Pebrero 15.

Naniniwala si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ang ceasefire ay nagpapakita ng kaseryosohan ng magkabilang-panig na magtagumpay ang usapang pangkapayapaan.

Umaasa rin si Pabillo na magiging mabisa ang naturang tigil-putukan upang ganap na makamit ng magkabilang panig ang kapayapaan.

Samantala, tiniyak din ni Pabillo na handa ang Simbahang Katoliko na tumulong at makiisa sa pamahalaan sa pagsusulong ng peace talks sa mga rebelde.

Anang Obispo, noon pa man ay kaisa na ng estado ang simbahan sa naturang hangarin na magkaroon ng kapayapaan sa bansa.

Nitong Martes ay nagsimula na ang isang linggong ceasefire sa pagitan ng puwersa ng military at New People’s Army (NPA) bilang pagbibigay-daan sa pagsisimula ng peace negotiation sa Oslo, Norway.

Ayon kay military spokesperson Brig. Gen. Jose Mabanta Jr., lahat ng opensiba ng military ay ititigil muna hanggang sa matapos ang peace talks sa Pebrero 21.

Ang ceasefire ay “gesture of goodwill” ng magkabilang panig bilang suporta sa isinusulong na usapang pangkapayapaan. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply