Celtics dinurog ng Mavs

KUMANA ng three-pointer si Jason Kidd sa nalalabing 2.5 segundo ng laro para giyahan ang Dallas Mavericks sa 101-97 panalo laban sa Boston Celtics sa regular season ng National Basketball Association.

Ang go-ahead trey ni Kidd ang nagbigay sa Mavericks ng 99-97 na kalamangan. Pagkatapos ng inbound error ng Celtics, sinelyuhan ni Dirk Nowitzki ang ika-pitong dikit na panalo ng Mavericks sa pagkana ng dalawang free throws.

Sa iba pang laro, tinusta ng Miami Heat ang Charlotte Bobcats, 109-97, habang inungusan ng Atlanta Hawks ang Los Angeles Clippers, 101-100.

Patuloy naman ang paglubog ng nangungulelat na Cleveland Cavaliers matapos yumuko sa Memphis Grizzlies, 105-112. Ito ang ika-23 dikit na pagkatalo ng Cavaliers na pumantay sa single-season record na hawak ng 1995-96 Grizzlies na noon ay nasa nasa Vancouver pa at ng 1997-98 Denver Nuggets.

Ang Cavaliers ang best regular season team sa nakaraang dalawang taon sa pangunguna ni LeBron James na ngayon ay naglalaro na para sa Heat.

Kung matatalo ang Cavaliers sa susunod nilang laro laban sa Portland Trailblazers ay mapapantayan nila ang kanilang sariling record na 24 sunod na talo na naganap sa pagitan ng 1981-82 at 1982-83 seasons.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply