Chinese New Year countdown, dinagsa

DINAGSA ng libu-libong tao ang ginanap na pinakamalaki , pinakamagarbo at  kauna-unahang selebrasyon ng countdown ng Chinese New year na idinaos sa  Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila .

Sinimulan ang programa  sa pamamagitan ng talumpati nina Department of Tourism (DOT) Secretary Alberto Lim at Manila Mayor Alfredo Lim.

Kabilang din sa nagbigay pugay sa selebrasyon si Hon. Zhang Rou Yi, ang kalihim ng  Cultural Office ng Embahada ng Peoples  Republic of China sa Pilipinas; Dr. Alfonso A. Uy, presidente ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industries, Inc.;  Mr. Ruben Co, pangulo ng Federation of Filipino Chinese Alumni Associations, Inc. at Dr. Bee Ching Ong Kian Koc – Executive Director of the Association of Chinese Filipino of the Philippines.

Lalong  naging masigla at magarbo ang pagdiriwang nang mag perform ang  mga estudyante mula sa ibat-ibang  Chinese Filipino schools gaya ng Chang Kai Shek  College; Hope Christian High School; St. Stephen’s High School; Uno High School; Philippine Academy of Sakya; Philippine Buddhacare Academy; Paco Citizen  Academy; Tiong Se Academy; Philippine Institute of Quezon City; Philippine Chen  Kuang High School; Manila Patriotic High School  gayundin ang mga pampublikong paaralan sa Maynila tulad ng   Ramon Magsaysay High School; Lakandula High School & Andres Bonifacio High  School, Tzu Chi Foundation, Wushu Federation National Team at  Liga ng Mga Broadkaster na naghandog ng special numbers;

Bukod dito, dumating din ang ilang mga artista  mula sa ABS-CBN  na kinabibilangan nina Sam Milby, Toni Gonzaga, Jed Madela,Erik Santos, Christian Bautista, Pokwang, Richard Poon, TJ Manotoc, Venus Raj, Jayson Gainza, Sam Concepcion,Jovit Baldevino at iba pa na  nagbigay ng makabuluhang  kahulugan sa okasyon.

Hindi rin nagpahuli ang Association of Volunteers Fire Brigades of the Philippines na pinamumunuan ni  Mrs. Lily Chua Uy at TXT-FIRE na pinangangasiwaan ni Gerry “Ube” Chua na umayuda sa aktibidad sa pamamagitan ng  pag-aantabay ng mga trak sa oras ng pangangailangan.

Ang Tzu Chi Foundation of the  Philippines  ang  nangalap ng mga kalat matapos ang event.

Naging makulay naman ang fireworks display na naganap sa pagsalubog ng Chinese New Year.-JocelynTabangcura-Domenden

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply