Chinese New Year re-routing

MAGPAPATUPAD ngayong araw ng Miyerkules ang  pamunuan ng Manila Police District (MPD) ng traffic re-routing scheme sa Binondo para bigyan daan ang tradisyunal na Chinese New year parade.

Sa ipinalabas na advisory ni Chief Insp. Reynaldo Nava, Acting Chief ng MPD-Traffic Enforcement Unit (TEU), 1:00 ng hapon isinara ang ilang kalsada sa Binondo.

Ang parada ay magsisimula sa panulukan ng San Fernando at Madrid st’s., at dadaan sa Sto. Cristo at Lavezares, gayundin sa Millennium Bridge patungo sa Tabora st., at Millennium Bridge II na pasisinayaan.

Dadaan din ang parada sa Comercio st., at sa Juan Luna, Sta. Elena, Lachambre, Dela Reina at R. Regente st’s., at kakanan pabalik sa Juan Luna counter flow Quintin Paredes, dadaan sa Sabino Padilla (Gandara), Soler at R. Regente st’s., para makarating sa Felipe II st., at sa kanilang patutunguhan.

Sinabi ni MPD Director Chief Supt. Roberto Rongavilla na isasara sa trapiko ang Quintin Paredes st., mula panulukan ng  Dasmariñas st., hanggang sa Ongpin street.

Gayunman, ang kahabaan ng Juan Luna st., mula Dasmariñas st., hanggang Plaza Ruiz ay bubuksan sa two-way traffic para sa nabanggit na aktibidad.

Ang mga sasakyan na manggagaling mula sa Plaza Ruiz  o sa  Binondo Church ay pinayuhan na kumaliwa sa Dasmariñas, kumanan sa Juan Luna, at kumanan sa Plaza Ruiz.

Inaasahan umano ang masikip na trapiko sa lugar ng Binondo, kaya payo sa mga motorista na dumaan na lamang sa McArthur o Quezon Bridge bilang alternatibong ruta.

Samantala, inatasan ni Manila Mayor Alfredo Lim, si Rongavilla na magtalaga ng karagdagang pulis sa Chinatown area kaugnay sa selebraston ng Chinese New Year. Rene Crisostomo


loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply