Chiz Escudero ikinagulat ang pagpapakamatay ni Reyes

IKINAGULAT ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang pagpapakamatay ni dating Armed Forces of the Philippines chief of Staff Angelo Reyes.

Sa mensaheng ipinadala ni Sen. Chiz ay labis aniya siyang nagulat sa nangyari kay Reyes.

Iginiit din ni Escudero na dapat bigyan ng lugar at puwang ang pamilya Reyes para makapagdalamhati.

“Pakikiramay ang aking taos-pusong ipinaparating sa pamilya at mahal sa buhay ni dating Secretary Reyes.”

Aniya hindi muna niya sasagutin ang mga katanungang may kaugnayan sa pulitika.

“Nararapat lang na sa kanyang di inaasahang pagpanaw ay bigyan natin siya ng karampatan at karapat-dapat na respeto, pag-unawa at panalangin.” Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply