Christchurch, New Zealand nasa ‘state of emergency’

ISINAILALAIM na ang Christchurch City sa New Zealand na sinalanta ng 6.3 magnitude na lindol ala-una ng hapon ng Martes (umaga sa Pilipinas) sa state of emergency.

Ito ang pinag-utos ni Christchurch Mayor Bob Parker makaraang masira ang at gumuho ang maraming gusali, kabilang na ang makasaysayang Christchurch Cathedral.

Maraming gusali sa lungsod ang nagbitak.

Agarang pinalikas ang mamamayan sa gitnang bahagi ng Christchurch at ang mga pasyente sa ospital.

Una nang naiulat na maraming mamamayan ang na-trap sa ilang gusali, gayundin ang insidente ng dalawang bus na nabagsakan ng mga bahagi ng gusali na ikinasugat ng maraming tao.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para ng mga kinauukulan upang matukoy kung may nasawi sa nasabing lindol.

Matatandaan na noong Setyembre 2010 ay nilindol na rin ng 7.1 magnitude ang Christchurch kung saan nagtamo ang nasabing lugar ng malaking pinsala. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply