‘Church blessing’ nila Mariel, Robin ‘di na naman tuloy

MATAPOS hindi matuloy ang “Church blessing” nila Robin Padilla at Mariel Rodriguez noong Disyembre 2010, muli na naman itong ipagpapaliban ngayong buwan.

Ngayong Pebrero sana magpapakasal ang dalawa ngunit pinagpaliban muna upang bigyang-daan muna ang pelikula na kanilang ginawa sa India.

Hindi umano ito problema ayon kay Robin dahil aniya higit naman daw ang kanyang pagmamahal sa TV host at iyon ang pinakamahalaga.

Dagdag pa ng aktor na talagang pinaghahandaan nila ito kaya hindi dapat madaliin.

Magiging busy din si Mariel dahil sa napababalitang makakasama niya sina Toni Gonzaga, John Estrada, Randy Santiago sa isang noontime show na pamalit sa “Pilipinas Win na Win”.

Samantala, sinabi naman ni Mariel na ie-enjoy muna nila ni Robin ang isa’t isa bago magdesisyong magkaanak. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply