Cimatu magsasalita na sa AFP fund scam

MATAPOS makaladkad ang pangalan sa isyu ng katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP), nakahanda na umano si dating military chief at special envoy to the Middle East Roy Cimatu na isiwalat ang mga nalalaman hinggil sa kontrobersiyal na “pabaon” at pasalubong” system sa sandatahang lakas ng bansa.

Si Cimatu ay isa sa tatlong former AFP chiefs na idinawit ni dating budget officer George Rabusa, na umano’y nakinabang sa multi-million peso fund anomaly sa AFP.

Kagabi, Martes, Pebrero 8 dumating sa bansa ang opisyal matapos kanselahin ng Department of Foreign Affairs ang kanyang misyon sa Egypt.

Bagama’t mariing pinabulaanan ng dating heneral ang alegasyon laban sa kanya, sinabi naman nito na nakahanda siyang ibahagi ang mga nalalamang impormasyon kaugnay sa mga kaso ng katiwalian.

Binigyang diin pa ni Cimatu na ang kanyang gagawing pagsiwalat ng katotohanan ay para malinis umano ang pangalan ng mga inosenteng nakaladkad sa eskandalo.

Maliban kay Cimatu, idinawit din ni Rabusa sa kanyang testimoniya sina dating AFP chief at defense secretary Angelo Reyes at retired Gen. Diomedio Villanueva. Gwenn Salamida/photo by: Julie Fabroa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply