‘Di ako pinabaunan—Cimatu

MARIING pinabulaanan ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Roy Cimatu ang alegasyong tumanggap siya ng milyun-milyong-pisong “pabaon” nang magretiro siya sa Sandatahang Lakas.

Si Cimatu, special envoy to the Middle East, ay umupo sa puwesto bilang AFP chief mula Mayo 23 hanggang Setyembre ng 2002.

Sinabi ni Cimatu na handa siyang humarap sa imbestigasyon para linisin ang kanyang pangalan.

“I categorically deny that I received any funds for my personal used. With this so-called ‘pasalubong’ or ‘pabaon’ for any other vices from anybody in the Armed Forces of the Philippines,” aniya.

Dagdag pa ni Cimatu: “All I can say is I welcome the opportunity to clear the air and I’m ready to face any investigation.”

Matatandaang isinangkot ni dating military budget officer George Rabusa sa multi-million-peso fund scandal si Cimatu, na umano’y tumanggap ng P80 million na “pabaon” sa kanyang pagretiro. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply