SSS sinuri ng Civil Service Commission

BILANG bahagi ng anti-red tape campaign, isinunod na inspeksyunin  ng Civil Service Commission (CSC) ang Social Security System (SSS) sa East Avenue, Quezon City, Huwebes, Pebrero 3.

Nag-ikot si CSC Chairman Francisco T. Duque III sa iba’t ibang frontline service units ng SSS upang tiyakin kung sila ay sumusunod sa “no noon break” policy at iba pang regulasyon na nakasaad sa Anti-Red Tape Act (ARTA) of 2007.

Magugunitang may dalawang linggo na ang nakararaan, nagsagawa ng kahalintulad na inspeksyon ang CSC sa Land Transportation Office (LTO) at Land Registration Authority (LRA) sa Quezon City.

Sinuri rin ni Duque kung may malinaw at nakikitang Citizen’s Charter ang SSS na isinasaad sa ARTA na dapat ay nababasa ng publiko sa pamamagitan ng nakatayong billboard na nagbibigay sa publiko ng mga batayang impormasyon kung papaanong makikipag-transaksyon sa ahensiya.

Nakasaad din na dapat sa Citizen’s Charter ang requirements, mga hakbang, bayarin at iba pang impormasyon hinggil sa mga frontline service na maaaring makuha sa ahensiya.

Hinikayat muli ng CSC chief ang mamamayan na tumulong sa pagpapabuti ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pag-ulat sa kanilang tanggapan sa sino mang lumalabag sa ARTA sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numerong 932-0111 at 0917-8398272.  Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login