CKSC kampeon ulit sa BP Cup

MATAGUMPAY na naipagtanggol ng Chiang Kai Shek College ang kanilang korona sa katatapos na 8th Baden Powell Cup Basketball Tournament matapos durugin ang Philippine Cultural College, 80-70, winner-take-all Game 3 ng kampeonato noong Pebrero 23 sa CKSC Gymnasium.

Bagama’t tinalo ng PCC Seagulls sa unang laro na umabot ng dalawang overtime, 92-94, madali namang winasak ng CKSC Blazing Dragons ang kanilang katunggali sa ikalawang laro, 87-58, dahilan upang umabot ang serye sa ikatlong laro.

Ito ang ika-anim na sunod na titulo ng CKSC Blazing Dragons sa BP Cup simula ng matamo ang unang korona noong 2006.

Itinanghal na MVP ng torneo si CKSC Captain Ball Kendrick Kyle S. Sy, samantalang nasali naman sa mythical five selection si John Kenneth P. Padilla.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply