Claire dela Fuente tinanggalan ng prangkisa ng LTFRB

NAGSINTIMYENTO ang bus operator at singer na si Claire dela Fuente sa Land Transportation Franchising and Regularoty Board (LTFRB) dahil sa pagkakansela ng kanyang prangkisa sa pampasaherong bus na Corinthian bus dahil umano sa pakikiisa sa tigil pasada noong Nobyembre 15, 2010 matapos pasimulan ang ipinatupad ng MMDA na bus coding.

Sa 37-pahinang mosyon, sinabi ni dela Fuente na ang kanyang 107 bus units ay na-single out mula sa iba pang 74 bus companies na pinaghinalaang nakiisa sa transport strike.

Ayon kay dela Fuente ang Philippine Corinthian Liner Corporation na naunang sumailalim sa pagdinig ang agad nakansela ang prangkisa  na isa umanong malinaw na indikasyon na ang LTFRB ay bias laban sa kanya lalo  na at wala pang napapatunayang ebidensiya ang MMDA kung sino-sino ang nagsagawa ng transport strike noong nakaraang taon.

Binigyang diin pa nito na ang pagkansela sa prangkisa ng kanyang bus at pagsuspinde sa iba ay nangangahulugan lamang ng “chilling effect” at “prior restraint” sa bus operators na gamitin ang kanilang kalayaan na magpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng strike para kondenahin ang ilang patakaran ng pamahalaan na hindi katanggap-tanggap.

Una rito,hindi naman pinaniwalaan ni LTFRB Manuel Iway ang mga pahayag ni Dela Fuente at nagsabing ito ay lumabag sa  Certificate of Public Conveyance (CPC ) at sa  Public Service Act nang makiisa ang bus nito sa strike noong Nobyembre 15,2010. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply