Claire dela Fuente umapela sa LTFRB

MAKARAANG kanselahin ang prankisa ng kanyang pampasaherong bus, naghain ng Motion for Reconsideration (MR) ang bus operator na si Claire dela Fuentes sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) Biyernes ng umaga, Pebrero 4.

Ayon sa legal counsel ni dela Fuente na si Harry Roque, walang basehan ang pagkansela ng LTFRB sa prankisa ng bus company na Philippine Corinthian Liner na pag-aari ng kanyang kliyente.

Nilinaw ni Atty. Roque na malinaw na prior restraint sa freedom of speech at kasama sa isinumiteng MR ng kampo ni dela Fuente ang certificate mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagpapatunay na bumiyahe ang Philippine Corinthian bus mula Nobyembre kahit noong nagkaroon ng transport strike.

Naniniwala si dela Fuente na na-singled-out lamang siya dahil siya ang pinakalantad sa lahat ng mga bus operator sa Metro Manila.

Matatandaang nag-alburoto si dela Fuente nang tanggalan ng prankisa ang kanyang bus dahil umano sa pakikiisa sa tigil pasada noong Nobyembre 15, 2010 nang ipatupad ng MMDA ang bus coding. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply