Cleveland wasak sa Portland

IPINALASAP ng Portland Trailblazers sa Cleveland Cavaliers ang kanilang ika-24 sunod na pagkatalo, 111-105, sa National Basketball Association(NBA).

Ang patuloy na paglubog ng Cavaliers ang nagbigay sa kanila ng nakakahiyang record na pinakamahabang losing streak sa isang season.

Napantayan din nila ang kanilang sariling record na pinakamahabang magkakasunod na pagkatalo na naitala ng 1981-82 at 1982-83 Cavaliers team.

Ang Cavaliers ang may pinakamagandang regular season record sa nakalipas na dalawang taon sa likod ng reigning two-time MVP na si LeBron James.

Tumapos sila na may 66-16 record sa 2008-09 at 61-21 sa 2009-10.

Ngunit sa kanilang unang season pagkatapos lumisan ni James para lumaro sa Miami Heat ay puro kalbaryo na ang inabot ng Cavaliers.

Sa iba pang laro, dinagit ng Atlanta Hawks ang Washington Wizards, 99-92; ginapi ng Dallas Mavericks ang Charlotte Bobcats, 101-92; tinalo ng Los Angeles Lakers ang New Orleans Hornets, 101-95; dinurog ng Denver Nuggets ang Minnesota Timberwolves, 113-100; pinadapa ng Detroit Pistons ang Milwaukee Bucks, 89-78; inungusan ng Houston Rockets ang Memphis Grizzlies sa overtime, 95-93; tinambakan ng Oklahoma City Thunder ang Utah Jazz, 121-105; at sinorpresa ng Golden State Warriors ang Chicago Bulls, 97-84. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply