Climate change huwag balewalain

NANAWAGAN ang Climate Change Commission na huwag balewalain ang climate change at ang epekto nito sa  mundo.

Ito ang pahayag ng grupo ni Naderev Saño, commissioner ng Climate Change Commission sa ginanap na International Conference  on Biodiversity and Climate Change sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay, ika-1 ng Pebrero.

Ang conference ay inorganisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Commission on Higher Education (CHED).

Umabot sa mahigit 600 delegado ang lumahok sa convention mula sa iba’t ibang bansa na pinangunahan ng mga dalubhasa mula sa United Nations Development Programme, National Economic Development Authority, DIVERSITAS, ASEAN Center for Biodiversity, World Wildlife Fund, Protected Areas and Wildlife Bureau, Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development and the Philippine Council for Aquatic at Marine Resources Research and Development.

Ayon kay Commissioner Saño, nalalagay sa peligro ang biodiversity na pundasyon ng buhay sa mundo na epekto ng climate change.

Dagdag pa ni Saño, malaki ang  epekto ng climate change sa laki ng populasyon, distribusyon, pagpaparami, paglikas o migration ng mga hayop sa ibang lugar.

Ang climate change rin aniya ang dahilan ng mga outbreak ng iba’t ibang uri ng sakit at peste.

Panawagan ng grupo na dapat nang kumilos ang lahat at huwag nang patagalin ang pag-aksyon sa lumalalang epekto ng climate change sa buong mundo.

Ito rin aniya ang tamang panahon para sa isang convention na gagawa ng mga measures para resolbahan ang mga problema hinggil sa climate change. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply