COA auditor isinailalim na sa witness protection program

ISINAILALIM na ng Department of Justice (DOJ) sa witness protection program (WPP) ang dating auditor ng Commission on Audit (COA) na si Heidy Mendoza na nagbulgar ng anomalya sa mga transaksyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima , personal na nagtungo Lunes ng umaga sa kanyang tanggapan si Mendoza para humingi ng seguridad, bago lumantad sa pagdinig ng kamara kanina.

Sinabi ni de Lima na nagpasya siyang bigyan ng provisional admission si Mendoza sa ilalim ng WPP bilang preemptive measures sa mga bantang maaari nitong matanggap bunga ng kanyang gagawing pagsisiwalat.

Maituturing anyang witness duty ang pagtungo ni Mendoza sa mga pagdinig sa Kamara at Senado at kwalipikado naman anya siya na mabigyan ng seguridad sa ilalim ng wpp.

Samantala, hinihintay na lamang ng DOJ ang isusumiteng affidavit ni dating AFP budget officer Lt Col George Rabusa.

Ang affidavit at iba pang dokumento na isusumite ni Rabusa ang magsisilbing batayan ng DOJ kung anong panel ang bubuuin ni de Lima kaugnay sa mga ibinunyag ni Rabusa laban kina dating Defense Secretary Angelo Reyes, AFP Chief of Staff Roy Cimatu at dating AFP Chief of Staff Diomedio Villanueva. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply