COA auditors pipitpitin sa pabaon kay Reyes

IPINATAWAG ng Blue Ribbon Committee ang lahat ng naging resident auditors ng Commission on Audit (COA) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang kuwestiyunin sa pabaon at payola system sa militar.

Ito ang inihayag ni Sen. Teofisto Guingona III matapos kumpirmahin na muling ihaharap sa imbestigasyon sina dating AFP Comptroller ex-Gen. Carlos Garcia at dating DND chief Angelo Reyes sa isinasagawang imbestigasyon sa korapsyon sa sandatahang lakas.

Haharap din si dating COA auditor Heidi Mendoza sa pagdinig ng Senado matapos “mahilot” ng ilang senador upang patotohanan ang korapsyon sa AFP partikular ang natatanggap na 2% komisyon ng resident auditors.

Nauna nang hiniling ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa komite na ipatawag ang resident auditors ng AFP matapos ibulgar ni dating AFP budget officer Lt. Col. George Rabusa na tumatanggap ng 2% komisyon sa pabaon ang auditors.

Nitong Huwebes, nakaraang linggo, sinabi ni Rabusa na napupunta sa resident auditors ng COA sa AFP ang dalawang porsiyento ng provisional command directives allocations (PCDA) na iniipon ni Garcia bilang pambayad sa payola, pasalubong at pabaon sa mga naging chief of staffs.

Bukod sa resident auditors, nakakakuha rin ng isang porsiyento ng kabuuang halaga ng PCDA ang Accounting Division ng AFP kaya ipinatawag din ni Guingona ang lahat ng hepe ng naturang dibisyon sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ngayong Lunes, Pebrero 7, 2011.

Dadalo rin sina Garcia, Reyes, dating AFP chiefs Diomedio Villanueva, Roy Cimatu (PA Ret.); Dionisio Santiago ( PA Ret.); Lt. Gen. Jacinto C. Ligot (Ret.);  Rabusa (AFP Ret.) Defense Sec. Voltaire T. Gazmin; Col. Antonio Ramon Lim, at Lt. Gen. Ricardo David Jr., AFP Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply