COA post malabo kay Romulo

NILINAW ng Malacañang na posibleng hindi maitalaga bilang Commission on Audit (COA) chairman si dating DFA Secretary Alberto Romulo.

Matatandaang pormal nang nanumpa kahapon si dating Ambassador to Washington Alberto del Rosario bilang bagong DFA secretary kapalit ni Romulo.

Una nang sinabi ni Romulo na interesado siya sa pagiging COA chairman kapalit ni Reynaldo Villar na nagtapos ang termino nitong Pebrero 2, 2011.

Inihayag ni Executive Secretary Jojo ochoa, pinag-uusapan sa ngayon ang posibleng pagtatalaga kay Romulo sa United Nations (UN).

Ayon kay Ochoa, malabo ang COA post para kay Romulo taliwas sa unang mga napabalita at hinahangad din ng kalihim.

Samantala, nilinaw ni Ochoa na ngayong araw pa manunumpa si Del Rosario bilang kalihim ng DFA.

Kahapon nanumpa umano si Del Rosario bilang adviser on international affairs.

Hinawakan nito ang dalawang posisyon in concurrent capacity. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply