Come-from-behind win kay Make No Mistake

NAKASUNGKIT ng panalo sa Race 2 si star jockey Jonathan “Unoh” Hernandez Biyernes ng gabi, Pebrero 18, matapos ihatid sa meta si Make No Mistake sa naganap na Special Condition 9 race sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Kambiyo hinete lamang si Hernandez kay Make No Mistake kung saan ay si class A rider Ryan R. De Leon ang orihinal na jockey.

Nasa pangatlong puwesto si Make No Mistake habang nilulusutan ni Diamond Luster si Aloha papasok ng far turn.

Bandang home turn nagsilapitan ang ibang kalahok na sina Royal Heiress kasama ang winning horse kay Aloha.

Nasa unahan pa rin si Aloha sa huling 100 metro ng laban.

“Akala ko si Aloha na ang mananalo dahil paubos na rin si Royal Heiress habang si Make No Mistake nagkukumahog naman sa pangatlong puwesto,” saad ni Nestor Fernandez isang karera tiyempista.

Halos umangat sa kinauupuan ang mga karerista ng makotso ni Make No Mistake si Aloha sa meta.

“Eksakto yung paremate ni JB (Hernandez) tatawid na lang ng meta si Aloha eh nangusuan pa siya.” wika ni trainer Nick Atienza.

Nakapagtala ng tiyempong 1:22.4 sa 1,300 meter race si Make No Mistake upang iuwi ang halagang P10,000 na premyong handog ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Sumegundo si Aloha na ginabayan ni class B jockey Renato “Pipoy” Silva habang tumersero si Royal Heiress na sinakyan naman ni class A rider Kelvin Abobo. ED

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply