Commission on Audit OK sa lifestyle check sa mga auditor

PAYAG ang Commission on Audit sa panukalang pagkakaroon ng lifestyle check sa halos 6,000 auditors nila.

Ang reaksiyon ng COA ay bunsod ng apela sa Malakanyang ni Cavite Congressman Joseph Emilio Aguinaldo Abaya Jr. matapos mabuking na may ilang COA auditors ang nasangkot sa pinasabog na anomalya sa hukbong sandatahan.

Tiniyak naman ni COA Chairman Reynaldo Villar na walang problema kung gagawin sa kanilang hanay ang lifestyle check dahil tiyak na papayag dito ang kanyang mga senior executive.

Giit nito, sana ay hindi lamang sa COA gawin ang lifestyle check kundi maging sa iba pang ahensya ng gobyerno.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply