Commuters nabuwisit sa pagsasara ng Balintawak, Roosevelt station

DAAN-DAANG cummuter ang nadismaya dahil sa pananatiling sarado ng Balintawak at Roosevelt stations ng Light Rail Transit (LRT) sa Quezon City.

Dumagsa ang commuter sa dalawang train station na kinukumpuni ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) matapos ang aksidente noong Sabado kung saan may dalawang tren ng LRT na nagbanggaan matapos ang isa sa maga ito ay nadiskaril.

Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cabrera, pansamantala munang isinarado ang dalawang istasyon habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Sinabi ni Cabrera na hindi pa nila matumbok ang sanhi ng banggaan ng dalawang tren at ayaw nilang magbigay ng konklusyon habang hindi pa tapos ang pagsisiyasat sa insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply