Concert ni Janet Jackson sasalubungin ng ‘Kamatayan’

SASALUBUNGIN ng kilos protesta ng mga kasapi ng People for Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia ang gaganaping konsyerto ni Janet Jackson sa Maynila, ngayong Biyernes ng hapon, Pebrero 4.

Ayon sa PETA, dadalawin ni ‘Kamatayan’ ang konsyerto ng kapatid ng namayapang  si Michael Jackson na may hawak na karatulang nagsasabing “Janet: Fur Is Dead,” at mga banner na nagsasabing “Janet: Animals Suffer and Die on Fur Farms,”

Magugunitang kamakailan lamang ay nag-endorso si Jackson ng Blackglama furs.

Sinabi pa ng PETA na matinding hirap ang dinaranas ng mga hayop na binibitag para sa kanilang balahibo bago sila pagbubugbugin ng mga humuhuli.

Ang mga hayop sa fur farms ay nakakulong sa mga masisikip at maruruming kulungan.

Marami rin umano sa mga hayop ang nasisiraan ng ulo bago sila kuryentehin, lasunin, balian ng leeg, o patayin sa pamamagitan ng gassing o pagpapausok.

Nabatid na sisimulan ang kilos protesta 5:30 ng hapon, Pebrero 4 sa tapat ng Philippine International Convention Center, CCP Complex, Roxas Blvd., Pasay City. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply