Concert ni Taylor Swift matagumpay

MATAGUMPAY ang concert ng international singer na sa Taylor Swift noong nakaraang Sabado, Pebrero 19, sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Dinagsa ng mga fans at maging ng mga local star ang naturang concert ng magandang singer. Ilan sa namataan sa concert ay sina Michael V., Sam Milby, Maja Salvador, Kim Chiu, Vice Ganda, Kris Aquino at ang mag-asawang sina Lucy at Richard Gomez.

Samantala, ang front act performer na si Sam Concepcion ay humataw sa kanyang kantang “Kung Fu Fighting” na naging soundtrack ng Disney animated movie na “Kung Fu Panda.”

Matatandaang personal choice ni Swift ang batang singer para makasama sa kanyang Asian tour.

Overwhelmed naman ang Pinoy singer nang yakapin siya ni Swift.

Sinabi ni Carlo Orosa, manager ni Sam, na ilang minuto ring hindi nakakibo ang kanyang alaga nang yakapin ni Swift.

Hindi raw inaasahan ni Sam ang gesture na ito ni Taylor.

“I didn’t expect her to hug me,” pahayag ng young star. “She seemed so excited, so I got excited, too!”

Nabigla si Sam nang lapitan siya ni Swift sa kanyang dressing room at biglang yakapin

“Sam, you were awesome! Great! Thank you!” pahayag ni Swift yakapin ang Pinoy singer. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply