Corruption sa Naval Base Sangley Point, busisiin!!!

KUNG walang corrupt, walang mahirap. Hindi lamang daw pang-slogan o pang-poster ito. Bagkus ito raw ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng Aquino administration.

Dahil dito, kung mayroon mang mga dapat na unahing imbestigahan ang Aquino administration na katiwalian sa hanay ng Armed Forces of the Philippines. Isama na ang mga corruption sa Naval Base Sangley Point, Cavite City. Tiyempong-tiyempo ito sa pagkakabulgar sa anomalya sa AFP.

Ayon sa isang kagawad ng Philippine Navy na hindi na natin pangangalanan para na rin sa kanyang seguridad, isang Commodore Nestor Losbanes ng AFP-PN ang nagpagawa ng pier sa Naval Base sa Sangley Point  sa halagang P4.6M nang wala naman daw biniling materyales. Puro mga bulok na kahoy ang ginamit na poste. Pinahugot sa ilalim ng dagat ang mga ito kaya raw isa-isa nang naglalaglagan ang mga ito. Meron pang ipinagawa si Losbanes na building para maging officer quarters. Pero ginawa raw niyang unit office ang tatlong building na ang bawat isa ay P4 million ang halaga at umaabot sa P12M ang kabuuang halaga.

Pinalabas daw ni Losbanes na pinakontrata niya ito sa sibilyan pero ang totoo ay ang mga sundalo ng Philippine Navy ang gumawa nito. Yung building ay pininturahan lang at nilagyan ng pintuan at bintana  ngunit pinalabas na nagkakahalaga ito ng P24 milyon. Kawawa naman ang taumbayan sa pangungurakot ng isang opisyal sa pera na nakalaan sa mga project ng PN.

Sex den sa QC di pa rin natitinag

Tuloy pa rin ang kalaswaan sa Queen Castle Disco at Imperial Sauna sa Quezon Ave., QC. Mayor Bistek di pa rin kumikilos laban sa kalaswaan sa prostitution dens na ito.-Johnny Magalona
(ITUTULOY)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply