CPA rice importer nakasuhan ng tax evasion

KINASUHAN ng tax evasion ang isang dealer at importer ng National Food Authority (NFA) dahil sa pandaraya ng statement of account.

Ayon sa Department of Justice (DoJ) kakasuhan nito si Terisita Te ng Jevon Enterprises dahil sa paglabag sa Internal Revenue Code makaraang dayain nito ang kaniyang statement of accounts noong 2009.

Sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na nag-iimport si Te ng bigas na nagkakahalaga ng halos P304 million ngunit P20 million lamang ang idinedeklara nito na Income Tax Return (ITR) na 1000 porsyentong naging mas mababa sa aktwal na benta nito.

Ginamit umano ni Te ang pagiging Certified Public Accountant (CPA) nito upang dayain ang financial statement. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply