Credit card interest dapat limitahan

NANAWAGAN si Cagayan Rep. Jack Enrile sa mga kasamahang mambabatas na sama-samang isulong ang pagreporma sa credit card industry dahil lubha na aniya itong nakakabigat sa maraming holders partikular sa negosyante.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Enrile na panahon na upang linawin sa mga credit card holders kung paano kino-compute ang interest na ipinapataw ng mga bangko upang hindi mabulaga sa tuwing dumarating na ang billing o ang petsa ng bayaran.

Hinimok din niya ang mga mambabatas na lagyan ng cap interest rates ng hanggang 1 porsiyento na lamang mula sa kasalukuyang 3 porsiyento.

Kinalampag din ni Enrile si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco na magpatupad ng parusa o multa sa mga bangko na sumusuway sa alinmang tuntunin na ipinatutupad ng BSP.

Binanggit pa ng mambabatas na mahalagang kumilos ang BSP dahil ang credit card industry ngayon ay binubuo ng 15 malalaking credit card companies na nagpo-proseso sa may P1 bilyong halaga ng credit card transactions taun-taon. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply