Customs employee huli sa P25 million cocaine

EMPLEYADO ng Bureau of Customs (BoC) at natalong mayoral candidate sa Mahaplag, Leyte ang nadakip na magka-live-in na nakumpiskahan ng P25 milyon halaga ng cocaine sa isang motel sa Quezon City na sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents, Linggo ng madaling-araw, Pebrero 6.

Sa ulat ni PDEA Director General Jose Gutierez, nakakulong na ang mga suspek na sina Jessie Abuyong at Maria Lorejas, kapwa ng Kawit, Cavite.

Nadakip ang dalawa sa buy bust operation na isinagawa ng awtoridad sa isang motel sa Timog Avenue, Quezon City, 12:30 ng madaling-araw ng Linggo.

Ibinulgar ni Supt. Wilkins Villanueva, chief ng Metro Manila Regional Office (MMRO) ng PDEA na ang nadakip na suspek na si Abuyong ay empleyado ng BoC na may plantilla na clerk III sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA I), habang si Lorejas ay dating natalong mayoral candidate sa munisipalidad ng Mahaplag, Leyte.

Ayon sa ulat, nagkasundo ang mga suspek at ang poseur buyer ng PDEA na bibili sana ng cocaine nang maaresto sa naturang motel.

Nabatid na ang limang kilo ng cocaine ay bahagi ng ilegal na droga na itinapon noon sa Samar, Leyte.  Santi Celari/Photo by: Ivan Gaddia

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply