Customs official suspendido dahil sa unexplained wealth

INIUTOS na ng Ombudsman ang pagsuspinde sa isang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) dahil sa hindi nito maipaliwanag na yaman tulad ng pagkakaroon ng matataas na kalibre ng baril, mga lupain at magagarang sasakyan.

Sa anim na pahinang kautusan na nilagdaan at inaprubahan ni Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni, kinatigan ang rekomendasyon ng Department of Finance-Revenue Integrity Protection Service para sa preventive suspension kay Mitchell V.Verdeflor, Intelligence Officer ng BoC.

Binigyan ng kapangyarihan si Jalandoni na lagdaan at aprubahan ang nasabing kautusan batay na rin sa memorandum na ipinalabas ni Ombudsman Merceditas Gutierrez noong June 11, 2010.

Lumilitaw sa nasabing kautusan na may basehan ang anti-graft body para ipatupad ang agarang pagsuspinde kay Verdeflor batay na rin sa mga nakalap nilang ebidensya kabilang na ang mga kinukwestiyong ari-arian ni Verdeflor.

Kabilang dito ang 13 high-powered at mamahaling baril, land properties sa General Santos City at tatlong sasakyan na hindi idineklara sa kanyang statement of asssets and liabilities and networth.

Ang nasabing mga ari-arian ay kuwestyunable umano dahil hindi ito tugma sa sahod na tinatanggap ni Verdeflor. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply